Batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office of Ilocos Norte, umabot na sa 461 ang kabuuang kaso ng HIV sa buong lalawigan mula taong 1984 hanggang
Marso 2025. Sa bilang na ito, 22 ang mga bagong kaso na naitala mula Enero hanggang Marso 2025 at 8 ang naitala sa buwan ng Marso.Ayon sa datos, pinakamarami pa rin ang mga kaso sa mga lalaki at karamihan sa mga ito ay nasa edad 25–34, kasunod ang mga edad 15–24 at 35-49.


Bagama’t patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso, pinapaalalahanan ng PHO Ilocos Norte ang publiko na laging mag-ingat at gumamit ng proteksyon sa bawat pakikipagtalik. Hinihikayat din ang lahat na magpa-HIV test—ito ay libre, mabilis, at kumpidensyal.
Kung sakaling magpositibo, huwag matakot o mahiya—may mga pasilidad at serbisyong handang tumulong para sa libreng gamutan at suporta.


No comments:
Post a Comment